Search This Blog

Minaliit Niya Ang Kursong Kinuha Ng Kaniyang Pinsan, Ngunit Ito Pala Ang Sasalba Sa Kaniya Sa Kapahamakan!

Likas na talaga kay Pablo ang maging mapang husga at mapang hamak sa kapwa.

Sa tingin kasi niya ay napaka taas niya dahil isa siyang engineer at tapos pa sa isang napaka gandang eskwelahan.

Hindi man siya galing sa napaka yamang pamilya ay naging bread winner naman ang binata, at dahil doon ay naging ugali na niya ang magbigay ng mga payo na madalas nakakasakit sa kapwa.

Si Isabel, ang kaniyang pinsan na matagal ng pangarap maging nurse ay hindi rin nakaligtas sa matalas na dila ng lalaki.

“Ano ba naman yan, Isabel. Kukuha ka na nga lang ng kurso, yung may napaka babang sahood pa!” Ika nito matapos niyang malamang nag enroll bilang isang nurse ang pinsan.

Dagdag nito ay para sa kaniyan, hindi kakayanin ni Isabel ang hirap at pressure ng board exam.

“Napaka gastos ng kurso mo, tingnan na lang natin kung maipapasa mo ba yang exam na yan at may tumanggap sa iyo sa ibang bansa!”

Hanggang sa nakapag tapos na ng pag aaral si Isabel ay walang katapusang pang hahamak pa rin ang natatanggap niya sa pinsan.

Kahit naging opisyal na nurse na ito sa isang napaka laking ospital ay nagbigay lamang ng mapang asar na komento ang lalaki.

“Akala mo naman, kasing laki ng sweldo mo ang sweldo ng mga anak kong accountant at architect.”

Kahit ganoon ay hindi na lamang siya pinapansin ni Isabel.
Hanggang isang araw ay inatake sa puso si Pablo, at malabong maitakbo agad siya as ospital dahil malayo sila rito.

Kung kaya naman si Isabel ang gumawa ng first aid sa pinsan at naligtas naman ito.

Matapos noon ay nagpasalamat si Pablo sa kaniya, na may bahid ng hiya at pagsisisi.

What can you say about this story? Share us your thoughts in the comment section below and let us have some discussions!

The post Minaliit Niya Ang Kursong Kinuha Ng Kaniyang Pinsan, Ngunit Ito Pala Ang Sasalba Sa Kaniya Sa Kapahamakan! appeared first on The Filipino Today.

No comments: