Search This Blog

Matapos Saktan Ng Apong Lulong Sa Droga, Lola Nagawa Pang Mag Alala At Ipagtanggol Ang Taong Nambugbog Sa Kaniya!

Isang video ngayon ang viral na viral sa social media matapos nitong makunan ang pananakit ng isang lalaki sa isang walang kalaban-laban na matanda.

Galit na galit ang mga netizens dahil sa kanilang nasaksihan kung kaya naman ginawa nila ang lahat upang matunton ang lalaki at mapasakamay ng mga awtoridad.

Ngunit ang mas dumurog ng kanilang puso ay nang malaman nila kung magka anu-ano ang dalawa.

Ang lalaking nakunan sa video ay apo pala ng lola, at silang dalawa na lamang ang magkasama sa buhay!

Ang apo, na malinaw na nasa ilalim ng impluwensya ng droga ay agad na nakulong

Samantala, ang lola naman ay nabigyan din ng tulong ng mga netizens ay hindi pa rin mapigilang mag-alala para sa apo.

Aniya, wala umanong mag aalaga at baka walang kinakaing maayos ang binata, dahil siya ang nag aaruga rito simula noong bata pa lamang siya.

Dagdag pa niya ay napaka bait na apo rin naman ng binata sa tuwing nasa matinong pag iisip ito, at binibigyan din siya ng kalinga sa tuwing kailangan niya.

Nananawaga ang lola na kung puwede ay makalabas na ang apo mula sa bilanguan dahil hindi niya matanggal ang pag-aalala para rito.

Todo rin ang kaniyang pagtatanggol para sa pinaka mamahala na apo, kung kaya naman hindi mapigilan ng mga netizens na maantig sa kakaibang pagmamahal na meron ang matanda para sa binata.

“Sobrang tangang apo swerte pa nga siya nanjan pa lola nya ay naku iba talaga nagagawa ng droga.”

“Naiintindihan ko si lola dahil dama kong yon pagmamahal niya kahit bangag pa yan damdamin apo nga eh…..”

“Bka Mabait Pag Hindi Naka Drugs.. Kya Nasabi Ni Lola Mabait Apo Niya May Napakita Din Cgurong Kabutihan Sakanya.”

“Wlang adik na mabait dahil ang mabuting tao hindi kailanman gagamit ng droga at mananakit sa lola nya”

What can you say about this story? Share us your thoughts in the comment section below and let us have some discussions!

The post Matapos Saktan Ng Apong Lulong Sa Droga, Lola Nagawa Pang Mag Alala At Ipagtanggol Ang Taong Nambugbog Sa Kaniya! appeared first on The Filipino Today.

No comments: