Madalas Nagtataka Ang Babaeng Ito Dahil Madalas Naka Longsleeve Ang Katrabaho, Hindi Niya Inaasahan Ang Natuklasan Sikreto!
Ilang linggo na ring nagtataka si Mika kung bakit palaging naka longsleeve ang kaniyag katrabahong si Ela, gayong ubod naman ng init ang panahon.
Nasa kalagitnaan kasi ng summer ngayon at hindi niya maintindihan kung bakit panay mahahaba ang mga napipili niyang suotin.
Sa pagkakalam niya rin naman ay mainitin ang kaibigan, kung kaya hindi niya maalis sa sarili ang magtaka kung bakit.
May sakit kaya ito? Itinatagong tattoo? Ayaw umitim? O biglang nagbago ang timbang?

Sa tuwing tinatanong naman niya si Ela ay nginingitian lamang siya nito. Tila siya rin mismo ay hindi makapag bigay ng maayos na paliwanag kung bakit ganoon ang napipili niyang isuot.
Katagalan ay hinayaan niya na rin ito, dahil mukhang gusto rin naman ni Ela ang kaniyang mga damit, kahit may mga pagkakataon na hindi siya komportable rito.
Isang araw, habang nasa locker room ay nasaktuhan niyang nagpapalit ng damit ang kaibigan.

At hindi niya mapigilan ang malakas na pag singhap ng makita niyang punong-puno ng sugat ang katawan ng dalaga!
“Jusko, Ela, anong nangyari sa iyo?” tanong ni Mika, at kita naman ang pagkataranta ni Ela.
Ngunit sa huli ay napag desisyunan din niyang sabihin ang totoo kay Mika, at doon niya nalaman ang katotohanan.

Madalas pala siyang sinasaktan ng kinakasama at hindi siya maka alis dahil wala pa siyang sapat na ipon upang suportahan ang sarili niya, lalung-lalo ang lugar na maatutuluyan.
Sa sobrang pag aalala ay agad nag bigay tulong si Mika at niyayang tumira muna ang kaibigan sa kaniya hanggang makayanan na niyang mag-isa.
Samantala, sinigurado ni Mika na makukulong ang kinakasama ni Ela upang mapag dusahan niya sa wakas ang matagal na pang aabuso sa kawawang kaibigan.

What can you say about this story? Share us your thoughts in the comment section below and let us have some discussions!
The post Madalas Nagtataka Ang Babaeng Ito Dahil Madalas Naka Longsleeve Ang Katrabaho, Hindi Niya Inaasahan Ang Natuklasan Sikreto! appeared first on The Filipino Today.

No comments: