Isang lalaking pilay, tinuruan ng leksyon ang isang matapobreng babae matapos siyang pagtawanan nito!
Para kay Ella, ang mga biro, kahit pa tungkol ito sa iyong pisikal na kaanyuan, timbang, at kahit kapansanan ay mananatiling biro lamang.
Kung kaya naman madalas niyang pagtawanan ang mga taong para sa kaniya ay hindi kaaya-aya, at hindi rin siya humihingi ng kapatawaran sa mga ito dahil “mababaw’ lamang ang mga ito sa pananaw niya.
Bagong salta lamang si Junior sa kanilang eskwelahan, at agad nang naka pukaw ng pansin ang binata ng atensyon ni Ella, dahil sa kaniyang kakaibang paraan ng paglakad.

May club foot kasi si Junior, isang depormidad ng mga buto at kasukasuan sa mga bagong silang na sanggol.
Ayon sa isang artikulo, “Ito ay nangyayari sa 1 ng 1,000 mga sanggol. Hindi pa nalalaman ang eksaktong dahilan ng kapingkawan ng paa, ngunit ito ay malamang na isang genetic disorder at hindi dulot ng anumang bagay na nagawa o hindi nagawa ng mga magulang.

Madalas namang ginagaya ni Ella ang paraan ng paglakad ni Junior lalo kapag hindi ito nakatingin, hanggang sa napansin na ng binata na hinahamak na siya ng kamangmangan ng dalaga.
Kung kaya naman gamit ang kanniyang smart phone ay sinigurado niyang dokumentado ang lahat ng pangungutya na ginagawa ng dalaga sa kaniya sa kanilang klase, kasama ang pagtawa ng kaniyang mga kaibigan na tdo ang suporta sa kaniyang pinag gagagawa.

At matapos lamang ang isang linggo ay hindi lamang niya ito inireport sa principal, kung hindi ipinost din niya sa kaniyang social media account, upang maging boses ng karamihan na binu bully din ni Ella.
Naging tampulan na ng galit ang dalaga hanggang sa hindi na ito pumasok ng eskwelahan, at sa wakas ay nagtungo ng therapy sa tulong ng kaniyang mga magulang na na alarma sa kaniyang sitwasyon.

What can you say about this story? Share us your thoughts in the comment section below and let us have some discussions!”
The post Isang lalaking pilay, tinuruan ng leksyon ang isang matapobreng babae matapos siyang pagtawanan nito! appeared first on The Filipino Today.

No comments: