Isang Lalaki, Sinubukang Lokohin Ang Isang Ambulansya, Ngunit Sa Kasamaang Palad Ay Mayroong Masamang Nangyari Na Talagan Ikinagulat Niya!
Isnag pilyong binata si Nico, at gaya ng isang tipikal na teenager ay mahilig din siyang gumawa ng mga kalokohan.
Kasama ng kaniyang mga kaibigan ay madalas mang prank ang mag babarkada sa kanilang school, at minsan ay kinatatakutan pa nga sila dahil sa kapasidad ng pang aalaskang kaya nilang gawin sa ngalan ng pagpapatawa.
Isang araw, bagot na bagot ang binata kung kaya naman niyaya niya ang mga kaibigan na tumambay sa parke.

Ngunit sa kasamaang palad ay lahat sa kanila ay may kailangang gawin noong hapon na iyon.
At kahit mag isa lamang ay itinuloy pa rin ni Nico ang paglabas upang makalanghap ng sariwang hangin.
Habang tumatambay ay may naisip na namang panibagong kalokohan ang binata.

Tatawagan niya ang isang ambulansya at sasabihing may isang batang na aaksidente, at agad siyang magtatago upang hindi siya mahuli!
Kung kaya naman walang anu-ano ay agad na niyang isinagawa ang kaniyang balak, at wala pang limang minuto ay nakita na niya ang ambulansya sa parke.
Takang-taka naman ang mga rumesponde dahil napaka payapa ng lugar, at matapos ang ilang minuto nilang paghahanap ay umalis na agad sila matapos matanggap ng panibagong tawag.

Habang pauwi ay tawang-tawa si Nico sa kaniyang nagawa at hindi na siya makapag hintay na ikwento ang mga naganap sa kaniyang mga barkada sa eskwela.
Ngunit pagdating niya ng bahay ay nagulat si Nico noong nakita niya ang kaniyang ina na umiiyak, at ibinalitang patay na ang kaniyang lolo.
Nanlamig sa kinatatayuan ang binata ng nagpatuloy sa pag kwento ang kaniyang ina.

“Maagapan pa sana siya kung hindi lang huli dumating yung ambulansya, nakatanggap daw kasi sila ng prank call kanina. Kung napa aga lang, sana buhay pa ang lolo mo ngayon, Nico.”
What can you say about this story? Share us your thoughts in the comment section below and let us have some discussions!
The post Isang Lalaki, Sinubukang Lokohin Ang Isang Ambulansya, Ngunit Sa Kasamaang Palad Ay Mayroong Masamang Nangyari Na Talagan Ikinagulat Niya! appeared first on The Filipino Today.

No comments: