ISANG KASAMBAHAY, NAIYAK NA LAMANG MATAPOS MALAMAN KUNG SINO ANG MAY ARI NG BAHAY NA NILILINIS NIYA!
Maagang naging ulilang lubos si Isabella at ang kaniyang nakababatang kapatid.
Ngunit mapait man ang buhay ay kasama naman niya ang kaniyang bunso sa lahat ng bagay, at iyon ang nagpapatatag sa kaniya.
At dahil sakim ang mga kamag anak nila ay kinamkam nila ang natitirang ipon ng kanilang mga magulang na dapat sana ay para sa kanila, at pinilit siyang magtrabaho upang magkaroon sila ng pang kain magkapatid.

Sinasaktan din siya ng kaniyang tiyahin at mga anak nito, kung kaya naman ay napag desiyunan na lamang niyang lumayas at tuluyang makipag sapalaran na lamang sa lansangan.
Ngunit naiwan doon ang kaniyang kapatid, na walang lakas ng loob makipag sapalaran sa kalye.
Kaya heto siya ngayon pagka lipas ng maraming taon, namamasukan ng katulong kung saan-saan upang makalibre ng pagkain at tahanan.
Isang araw, isang magandang balita ang natanggap ni Isabella, kung saan ay matatrabaho siya bilang kasambahay sa isang napaka laking mansyon.

At wala siyang ibang kailangang gawin kundi panatilihing malinis ang kalahating parte nito, lalong-lalo na ang hagdan na paboritong daanan ng kaniyang amo.
Isang ginang ang magiging amo ni Isabella, ngunit sa napag alaman ng dalaga ay isa na itong ganap na byuda.
Nang makarating siya sa bahay ay agad itong nag simulang maglinis.

Ngunit hindi pa natatapos sa pagpupunas ng hagdan ang dalaga ay agad na siyang pinatawag ng kaniyang amo sa kwarto nito, na lubos namang ikinadulot ng kaba niya.
Pagdating niya ay hindi niya maipaliwanag ang kaniyang nerbyos dahil bukod sa ipinatawag agad siya sa unang araw ng trabaho ay tila may kakaiba sa kaniyang amo.
Noon na lamang niya nakumpirma noong lumapit ang ginang sa kaniya at nanginginig na nagsalita, “Ate Isabella,”

Simula pala noong umalis ang ate ay nagsikap ang kaniyang kapatid na makapag tapos ng pag aaral upang mahanap siyang muli nito.
Lubos na nakatulong din ang kaniyang yumaong asawa na binigyan siya ng marangyang buhay, dahilan upang sa wakas ay matunton niya ang pinakamamahal na kapatid.

What can you say about this story? Share us your thoughts in the comment section below and let us have some discussions!
The post ISANG KASAMBAHAY, NAIYAK NA LAMANG MATAPOS MALAMAN KUNG SINO ANG MAY ARI NG BAHAY NA NILILINIS NIYA! appeared first on The Filipino Today.

No comments: