Search This Blog

Inutus-utusan Nila Ang Baguhang Empleyadong Ito Ngunit Hindi Nila Alam Na Ito Pala Ang Kanilang Bagong Boss!

Kahit bata pa lang si Francis para sa kaniyang trabaho ay hindi maipagkakaila ang kaniyang galing at talento sa kaniyang larangan.

Kung kaya naman agad siyang napromote sa kaniyang trabaho at naging isa sa mga pinakabatang manager ng kanilang kompanya.

At walang pag aatubiling tinanggap naman ito ng binata, dahil alam niyang kayang-kaya niya ang trabaho bilang isang boss.

Ngunit ang kapalit naman noon ay kailangan niyang umalis sa kaniyang kompanya at maipadala sa ibang parte ng bansa upang pamahalaan ang ibang branch.

Kahit natatakot dahil mapapalayo siya sa kaniyang mga katrabaho na nakasanayan na niya sa araw-araw ay handa si Francis sa bagong hamon sa kaniyang career.

Punong puno ng excitement ang binata na makakasundo niya ang mga katrabaho, ngunit hindi niya inaasahan ang kaniyang nadatnan.

Backstage at Aalto RTW Spring 2018

Bukod sa napaka tahimik ng opisina ay ubod pa ng seryoso ang mga tao. Kung tutuusin, ayos lang ito para sa binata dahil alam niyang makakapag focus siya sa trabaho sa ganitong paraan.

Ngunit hindi niya inaasahan ng biglang ma tumapik sa kaniyang braso at biglang nagsalita.

“Ikaw ba yung bago? I-photo copy mo na ito, bilisan mo.”

Natulala lamang ang lalaki ngunit sinunod niya rin ito, hanggang sa lumipas ang araw na sumusunod lamang siya ng utos ng kaniyang mga masusungit na katrabaho na hindi man lang tinanong ang pangalan niya.

Ngunit bago matapos ang araw, naisip ni Francis na kinailangan na niyang magpakilala upang maumpisahan na niya ang kaniyang tungkulin.

Lumakad siya sa harap at tinawag ang atensyon ng kaniyang mga katrabaho, at nagpakilala.

“Magandang gabi sa inyong lahat, magpapakilala na lamang ako dahil walang umaasikaso sa akin ngayong araw. I’m Francis, your new manager.”

Ang mga katrabaho niyang kanina ay hindi nakikinig ay agad napatingin sa kaniya at hindi makapaniwala sa sinabi ng binata.

“Nice meeting you all. See you tomorrow.” dagdag nito, saka umalis.

Naiwan naman ang mga katrabaho niyang nammroblema kung paano babawi sa kabastusang ginawa nila sa kanilang bagong boss. Naku po!

What can you say about this story? Share us your thoughts in the comment section below and let us have some discussions!

The post Inutus-utusan Nila Ang Baguhang Empleyadong Ito Ngunit Hindi Nila Alam Na Ito Pala Ang Kanilang Bagong Boss! appeared first on The Filipino Today.

No comments: