Doktor Na Natanggal Sa Trabaho Dahil Sa Pagsagip Ng Buhay Ng Anak Ng Isang Taxi Driver, Naging Emosyonal Matapos Maalaman Ang Katotohanan!
Naging malaki ang galit ng ama ni Arya sa kaniya dahil sa isang bagay na ginawa niya na naka apekto sa kaniyang trabaho.
Nagdulot ito ng pagkakatanggal niya sa isang ospital bilang isang doktor, kung kailan sana nag sisimula pa lamang siyang patunayan ang kaniyang talento bilang isang doktor.
Isang buwan na rin simula ng masibak siya sa trabaho, at kinailangan niyang bumalik sa ospital upang kuhain ang ilang mga natitirang bagay na naiwan niya sa kaniyang locker.

Ngunit kahit wala na siya sa ospital ay marami pa rin ang mga pasyente na tumatawag sa kaniya upang magpacheck up at tanungin ang mga gamot sa kanilang sakit.
Kung kaya naman habang nasa taxi ang dalaga ay panay ang kausap niya sa mga ito, hanggang sa tinanong siya ng driver kung doktor nga ba siya.
Agad namang sumagot ang dalaga, at tinanong kung bakit.

Ngumiti lamang ang driver at agad na sinabi na wag na siyang magbayad ng pamasahe dahil naging gawain na niyang ilibre ang mga doktor dahil sa isang bagay na nangyari sa kaniya.
Naintriga naman si Arya at tinanong kung ano ito.

Ayon sa driver, isang doktor din umano ang sumagip sa buhay ng kaniyang anak noong maaksidente siya isang buwan na ang nakalilipas, ngunit wala siyang pagkakataong magpasalamat dito dahil bukod sa hindi niya alam ang itsura at pangalan nito ay nabalitaan na lamang nila na sinesante pala ito sa trabaho dahil sa paraan na kaniyang ginawa upang masagip ang anak.
Natigilan si Arya dahil sigurado siyang siya ang tinutukoy ng driver, at naluha sa tuwa dahil hindi lamang niya nasalba ang buhay ng isang tao, kung hindi nabago rin niya ang buhay ng mga taong nakapaligid dito.

What can you say about this story? Share us your thoughts in the comment section below and let us have some discussions!
The post Doktor Na Natanggal Sa Trabaho Dahil Sa Pagsagip Ng Buhay Ng Anak Ng Isang Taxi Driver, Naging Emosyonal Matapos Maalaman Ang Katotohanan! appeared first on The Filipino Today.

No comments: