Search This Blog

Dalagitang Ikinakahiya Ang Kaniyang Mga Magulang Dahil Sa Kanilang Kahirapan, Natuto Ng Mahalagang Leksyon Matapos Itong Mangyari Sa Kanya!

Kahit hindi ganoon karangya ang buhay ay lumaking nasusunod ang layaw ni Agatha, dahil nag iisang anak lamang siya ng kaniyang mga magulang.

Isang tindera ang kaniyang ina habang security guard naman ang ama nito, at dahil nga wala siyang kaagaw sa mga gastusin at atensyon ay lumaking spoiled brat ang batang ito.

Nag aral din siya sa mga private schools, dahil nais ng kaniyang mga magulang na bigyan ng magandang edukasyon at buhay ang kanilang anak.

Ngunit dahil sa estado ng buhay ng mga kaklase ni Agatha ay unti-unti niyang natutunan na hindi siya kagaya nila, at di hamak na malayo ang estado ng buhay niya kumpara sa mga ito.

Kung kaya naman nag sisinungaling na lamang siya sa kaniyang mga kaklase at sinasabing anak siya ng isang businessman katulad nila.

Hindi niya rin pinapa attend ang mga ito sa mga PTA meeting dahil alam niyang malalaman ng mga magulang ang sikreto niya.

Nagsimula lamang sa pag sisinungaling ang pakulo ni Agatha hanggang sa unti-unti ay ikinakahiya na niya ang kaniyang mga magulang.

Ngunit hindi nagtagal ay natuklasan din ng kaniyang mga magulang ang pagsisinungaling na ginagawa ni Agatha at halos walang kalagyan ang kanilang sama ng loob sa anak.

Kung kaya naman naisipan nila itong bigyan ng leksyon sa paraan na matatandaan niya habang buhay.

Tinanggal siya mula sa private school at ini-enroll sa public, kung saan matututo siyang makisalamuha sa kaniyang mga ka-uri hanggang sa makuntento siya sa mga bagay na mayroon siya.

Malaki ang naging galit ni Agatha sa ginawa ng mga magulang ngunit hindi na lamang siya sumagot, dahil alam niyang kinakailangan niyang pagbayaran ang mga kasinungalingang pinag gagawa niya.

What can you say about this story? Share us your thoughts in the comment section below and let us have some discussions!

The post Dalagitang Ikinakahiya Ang Kaniyang Mga Magulang Dahil Sa Kanilang Kahirapan, Natuto Ng Mahalagang Leksyon Matapos Itong Mangyari Sa Kanya! appeared first on The Filipino Today.

No comments: