Panganay na nag dodoble kayod upang mabigyaan ng magandang buhay ang magulang, nagsisi sa huli
Bata pa amang si Christine ay nakatatak na sa isip niya na balang araw ay magiging bread winner siya ng pamilya.
Kung kaya naman bawal siyang mag liwaliw, bawal siyang magkamali, at higit sa lahat, bawal niyang hindi tuparin ang pangarap ng mga magulang para sa kaniiya, ang magtapos ng pag aaral at ihaon ang buong pamilya niya sa hirap.
Minsan, may mga pagkakataon na kine kwestyon ni Christine ang responsibilidad na iniatang sa kaniya.

Dahil tulad ng iba niyang mga kapatid ay anak din naman siya ng mga magulang niyam ngunit siya pa rin ang palaging ino obliga sa mga bagay na dapat ay tinutugunan nila.
Kung kaya naman upang wala nang masabi ay kumayod na lamang nang husto ang dalaga at iginugol ang lahat ng kaniyang sahod sa panngangailangan sa kanilang bahay.
Kung minsan ay sumasama na rin ang loob ng dalaga dahil sa halos tatlong taon niyang pagtatrabaho ay hindi pa rin siya nakabibili ng kahit sapatos man lamang!

Ngunit sa tuwing sinasabi niya ito ay siya pa ang sinasabing walang utang na loob sa kabila ng paghihirap na ginawa ng mga magulang niya upang makapagtapos siya.
Patuloy na nagtrabaho nang nagtrabaho ang dalaga, hanggang sa wakas ay na promote din siya at nakatanggap ng mas malaking pasahod.
Ayun nga lang ay dobleng puyat at kayod ang kinailangan, dahilan upang magkasakit siya.

Labis ang pagkadismaya ng kaniyang mga magulang noong malaman na hindi na muna siya makakaapagtrabaho at gayon na lamang ang sama ng loob ni Christine sa kanila.
Sa kabila ng lahat ng ginawa niya para sa pamilya ay nakuha pa nilang tawaging pabigat ang taong nalagay sa panganib upang mabigyan sila ng magandang buhay.

What can you say about this story? Share us your thoughts in the comment section below and let us have some discussions!
The post Panganay na nag dodoble kayod upang mabigyaan ng magandang buhay ang magulang, nagsisi sa huli appeared first on The Filipino Today.

No comments: