Search This Blog

Milyonaryo, lubos ang panlulumo matapos malaman ang katotohanan na hindi pala siya tunay na ama ng kaniyang tatlong anak!

Bukod sa pagiging matagumpay na business owner at pagiging isang milyonaryo ay isa pa sa mga pinagmamalaki ni Don Fred ang kaniyang tatlong nagkikisigang mga anak.

Triplets and anak ng milyonaryong negosyante. Si Luigi, ang panganay, isang ganap nang abogado at madalas na nag aayos ng lahat ng kaniyang mga anomalya sa negosyo. Si Marco, ang katulong ngayon ng matanda upang ipagpatuloy at itaguyod ang kanilang iba’t ibang mga investment, at talaga namang napaka talinong lalaki, at si Alcaraz, isang sikat na basketball player.

Kung tutuusin ay handa niyang talikuran ang lahat ng bagay na materyal para sa kaniyang mga anak, dahil hindi matatawaran ang pagmamahalan ang mag aama sa isa’t isa. Simula kasi noong pumanaw ang kanilang ina halos labinlimang taon na ang nakararaan ay mag isa nang pinalaki ni Don Fred ang kaniyang mga anak.

At isa sa mga ipinagmamalaki niya ay lahat ng mga ito ay nakapagtapos, at napalaki niya nang maayos!

Kaya hindi naman maipagkakaila na isang huwarang ama ito.

Ngunit isang nakawiwindang na balita ang sisira sa relasyon ng apat, dahil malalaman ni Don Fred na hindi pala niya tunay na anak ang kaniyang tatlong iho!

Matapos ipagtapat ng kaniyang mayordomang si Adela na inampon lamang ng kaniyang asawa ang mga batang ito at nagsinungaling tungkol sa kaniyang pagbubuntis ay hindi sukat akalain ng matanda na hindi niya pala tunay na kadugo ang mga batang inalagaann at minahal niya nang buong puso.

Sa sobrang sama ng loob ay hindi niya alam ang gagawin, ngunit matapos mag usap ng mag aama ay pinili pa rin ni Don Fred na huwag itakwil ang tatlo, dahil matapos ang lahat ay hindi matatawaran ang kanilang pinagsamahan, at hindi niya maipag kakaila na tunay na anak pa rin ang turing niya sa mga ito.

What can you say about this story? Share us your thoughts in the comment section below and let us have some discussions!

The post Milyonaryo, lubos ang panlulumo matapos malaman ang katotohanan na hindi pala siya tunay na ama ng kaniyang tatlong anak! appeared first on The Filipino Today.

No comments: