Search This Blog

Kaibigang kinukunsinti ang barkadang mambabae, nagsisisi matapos itong mangyari sa kanya!

Bata pa lang ay magkakaibigan na si John, Ian, at Drew. Bukod sa pagiging matalino ay lumaki ring makikisig ang mga ito, dahilan upang maging lapitin ng dalaga ang tatlo.

Nagtapos sila ng hayskul na nadagdagan ang kanilang squad. Ang dating tatlo ay naging pito na, at laging punong-puno ng kalokohan ang magbabarkada sa tuwing sila ang magkakasama.

Pag tungtong nila ng college ay karamihan sa kanila ay nag umpisa nang umibig, ngunit ang tatlo ay nanatili pa ring matinik sa mga kababaihan.

Ngunit sa kanilang tatlo, si Ian lamang ang hindi magawang magkaroon ng nobya dahil mayroon siyang inaantay na matagal na niyang iniirog.

Si Julie, na nangakong sasagutin siya nito pagtapos ng college ay isang magandang dalaga na talaga namang tutok sa pag aaral. Alam niya na lapitin ng mga babae ang kaniyang manliligaw ngunit hindi niya ito iniinda, dahil malaki ang tiwala niya sa binata.

Kaibigan din ni Julie si Steph, ang matagal nang kasintahan ni Drew.

Ilang taon na ang kanilang relasyon at lingid sa kaalaman ng dalaga na madalas pala itong mang babae, lalo kapag kasama ang mga tropa!

Ang masama pa roon ay mismong si Ian at John pa ang nagbibigay ng mga babaeng pwede niyang kilalanin at sinisiguaradong pagtatakpan ang kanilang kaibigan.

Ngunit matapos malaman ni Steph ang pang lolokong ginawa sa kaniya ng nobyo ay hindi lamang si Drew ang nayari.

Si Ian, na totooong sinisinta si Julie ay nadamay din dahil sa sobrang pagka dismaya ng dalaga.

Ani Julie, kung totoong nagmamahal siya ng babae ay hindi niya kukunstihin ang pangangaliwang ginawa ni Drew, at mabuting ngayon pa lamang ay ipinakita na niya ang kaniyang ugaling mapag kunwari at mang loloko.

What can you say about this story? Share us your thoughts in the comment section below and let us have some discussions!

The post Kaibigang kinukunsinti ang barkadang mambabae, nagsisisi matapos itong mangyari sa kanya! appeared first on The Filipino Today.

No comments: