Isang Anak Ng Milyonaryo, Tinuruan Ng Leksyon Ng Ama Matapos Maliitin Ang Isang Waiter Na May Kapansanan!
Para kay Anjo, lahat ng tao ay dapat lumuhod at sumunod sa kaniyang mga inuutos dahil isang matagumpay na negosyante ang kaniyang mga magulang.
Parehas na multi-millionaire lang naman ang mga ito, at hindi maipagkakailang kilala sa kani-kanilang industriya.
Hindi man niya nakakasama ang mga ito madalas, lalo na noong kabataan niya ay sapat na para sa kaniya na nabibigyan siya ng mga ito ng sangkatutak na perang pang bili sa mga gusto niya.
Ngunit kahit halos nasa kaniya na ang lahat, ay sakim pa rin ang binata, at talaga namang napaka sama ng ugali!
Isang beses ay napag desisyunan niyang dalawin ang restaurant na madalas niyang pagkainan kasama ang kaniyang mga magulang noon, at pag pasok pa lamang ay puno na ng kayabangan ang pinakita niya!
Sinigaw-sigawan din niya ang isang waiter dahil di niya ito maintindihan. At noong ipinaliwanag niyang may autism ang crew ay mas lalo pa itong nagaliit at minaliit-maliit pa ito!
May iba namang mga costumers na nakipag away kay Jerome dahil sa kaniyang kawalang hiyaan, ngunit mas marami ang nag video sa kaniyang ginawa hanggang mag viral ito ng social media.
At tulad ng inaasahan ay nakarating ito sa kaniyang ama na galit na galit sa kaniyang ginawa!
Agad niyang pinatawag si Jerome at sinabing pinapalayas na niya ito sa kaniyang bahay dahil oras na upang malaman niya kung paano mamuhay bilang isang disenteng tao.
Nanglumo sa narinig ang binata ngunit mas nanaig pa rin ang kaniyang pride kung kaya naman nag alsa balutan pa rin ito, ngunit sa totoo lamang ay hindi na rin niya alam kung saan siya pupunta dahil wala siyang kaibigan.
Kasalanan nga ba niyang naging ganito siya, o ng mga magulang niya na hindi siya napalaki nang maayos?
What can you say about this story? Share us your thoughts in the comment section below and let us have some discussions!
The post Isang Anak Ng Milyonaryo, Tinuruan Ng Leksyon Ng Ama Matapos Maliitin Ang Isang Waiter Na May Kapansanan! appeared first on The Filipino Today.





No comments: