Dalagang mahilig humanap ng sugar daddy upang yumaman, nagsisi matapos itong mangyari sa kanya
Para kay Jaica, ang pinaka mabilis na paraan upang umangat sa buhay ay mag hanap ng matandang mayaman na susuporta sa lahat ng iyong pangangailangan sa buhay, lalung-lalo na ang iyong mga luho.
Kaya naman simula noong tumuntong siya ng 18 years old ay nagsimula na ang kaniyang paghahanap ng “sugar daddy” na magiging tulay sa katuparan ng mga pangarap niya.
Dalawampu’t limang taon na ngayon si Jaica, at makailang sugar daddy na rin ang dumaan sa kaniya. Kung tutuusin ay nakapag ipon at nakapag pundar na rin ito ngunit tila hindi ito makuntento sa kaniyang mga nakamit sa buhay.
Kung kaya naman napag desisyunan niyang maghanap muli, at nais niyang maka bingwit ng sobrang yaman upang sa wakas ay maakamit na niya ang matagal niyang gustong negosyo.
At hindi naman nabigo si Jaica sa paghahanap. Sa katanuyan ay isang may-ari ng casino ang kaniyang naging bagong nobyo.
Sa una ay naging marangya an buhay ng dalaga, lahat ng kaniyang hilingin ay natutupad agad, at walang pa aatubiling nag rerequest ng kung anu-ano ang dalaga upang masigurado na marami siyang maiipong pera.
Ngunit isang araw ay tila nagbago ang timpla ng kaniyang matandang nobyo.
Nagsimula na siyang saktan nito dahil sa paghihinala na nakiki apid ang dalaga sa ibang lalaki, ngunit nanindigan si Jaica na hindi niya kailanman magagawa ito.
Sa kabilaa ng lahat ay tuloy-tuloy pa rin ang pisikal na pang aabusong natatamo ni Jaica, hanggang sa tuluyan nang bumagsak ang katawan nito sa sobrang hina.
Isang gabi ay napag desisyunan na niyang tumakas sa buhay na minsan niyang pinangarap at nangakong kailanman ay hindi na siya babalik sa ganoong klaseng hanap buhay.
Dasal ni Jaica, sana’y hindi na siya matunton ng malupit na dating kasintahan.
What can you say about this story? Share us your thoughts in the comment section below and let us have some discussions!
The post Dalagang mahilig humanap ng sugar daddy upang yumaman, nagsisi matapos itong mangyari sa kanya appeared first on The Filipino Today.
No comments: