Dahil sa isang regalong posporo ng matandang ito, hindi inaasahan na naging milyonaryo ang binatang dishwasher!
Matagal na ring nagtatrabaho si Chris sa karendirya ni aling Mila, kung saan nagtatrabaho siya bilang isang dishwasher.
Masungit man at madalas mapang alipusta ang amo niya ay hindi ito iniiinda ng binata, dahil alam niyang ito na lamang ang bumubuhay sa kaniya.
Malayo siya sa kaniyang mga magulang at mga kapatid, kung kaya naman siya lang mag isa ang nakikipag sapalran sa magulo at maingay na bayan.

Ngunit hanggang ngayon ay isa pa rin sa mga pangarap ng binata ang balang araw ay maka uwi sa kaniyang tahanan at mayakap ang kaniyang pamilya.
Bukod sa trabaho at kaibigan ay may isa pang pinag kaka balahan si Chris, at ito ay ang pag aasikaso sa isang pulubi na madalas niyang bigyan ng pagkain.
Tuwing papasok siya ay sinsigurado niyang bibigyan niya ng pagkain ang matanda, at natutuwa siya sa tuwing taos puso itong nagpapasalamat sa kaniya.

Mismong kaarawan ni Chris at napag desisyunan niyang ilibre ng gupit ang matanda, ngunit tumanggi ito. Sa halip, ay inabutan ng pulubi ng isang kahon ng posporo ang binata, at sinabing ito ang regalo niya sa kaniya!
Mula noon ay hindi na niya nakita pa ang matanda, na ipinagkaalala ni Chris.

Isang araw ay napag desisyunan niyang silipin ang lama ng kahon, at labis ang kaniyang gulat dahil naglalaman lamang ito ng isang lumang barya.
Ngunit nagbago ang takbo ng buhay ni Chris noong napag alaman niya na hindi lang pala ito basa-bastang barya, ngunit isang napaka importante at antigong barya na nagkakahalaga ng milyon-milyon!
Matapos makuha ni Chris ang katapat na pera ay hindi pa rin niya nakita ang matanda, ngunit habang buhay niyang tatanawin ng utang na loob ang kaniyang napaka gandang regalo.

What can you say about this story? Share us your thoughts in the comment section below and let us have some discussions!
The post Dahil sa isang regalong posporo ng matandang ito, hindi inaasahan na naging milyonaryo ang binatang dishwasher! appeared first on The Filipino Today.

No comments: