Babaeng Puno Ang Galit Sa Diyos Dahil Sa Kaniyang Mga Naranasan Sa Buhay, Di Inasahang Mangyayari Ang Bagay Na Ito Sa Kanya!
Maagang namulat si Astrea sa reyalidad.
Walong taon pa lamang siya ay tila sunod-sunod na ang pagtataksil na ginagawa sa kaniya ng mundo, at wala siyang ibang matakbuhan kung hindi ang nanay niyang tanging nag mamahal sa kaniya.
Ngunit mas lalong nalugmok sa galit at poot ang dalaga noong hindi inaasahan ay naaksidente ang kaniyang pinakamamahal na ina, dahilan upang ma comatoose ito.
Bilang isang batang walang muwang, wala siyang kakayahan upang suportahan ang kaniyang ina, kung kaya naman katagalan ay binawian din ito ng buhay.

Kahit naubos na ata ang mga luha na pwede niyang ilabas ay hindi kailanman matatapos umiyak si Astrea, dahil kahit sa pinaka madilim na parte ng buhay niya ay ni isang tao ay wala man lang sumagip sa kaniya.
Nagpalaboy laboy ang bata sa kalsada, hanggang sa siya na natuto na siya paano makipag sapalaran.
Ngunit simula noon ay hindi na naniwala sa Diyos ang dalaga.

Hanggang sa nakilala niya si Totoy, isang batang makulit na walang ibang ginawa kung hindi bumuntot sa kaniya.
Kahit anong gawing taboy sa kaniya ni Astrea ay lumalapit pa rin ito at tinuturing siyang ate.
Hanggang sa tuluyan na ring bumigay ang dalaga at lagi na siyang isinasama kahit saan ito magpunta.
Ngunit sa hindi inaasahang pagkakataon ay tinamaan ng sakit si Totoy.

Dini deliryo siya sa lagnat at napag alamanan na may malalang kaso pala ito ng dengue.
Hindi na kaya ni Astrea na mawalan pa ng panibagong mahal sa buhay, kung kaya nilunok niya ang kaniyang galit upang manghingi ng tulong sa Maykapal at manalangin.
Sa hindi maipaliwanag na dahilan ay bumuhos ang mga donasyon para kay Totoy, na naging dahilan para sa maiging gamutan nito.
At hanggang ngayon, hindi mawala sa utak ng dalaga ang milagrong nangyari sa kaniya ng naisipan niyang lumapit sa Diyos.

Siguro nga, gaya ng sabi nila, totoo siya.
What can you say about this story? Share us your thoughts in the comment section below and let us have some discussions!
The post Babaeng Puno Ang Galit Sa Diyos Dahil Sa Kaniyang Mga Naranasan Sa Buhay, Di Inasahang Mangyayari Ang Bagay Na Ito Sa Kanya! appeared first on The Filipino Today.

No comments: