Search This Blog

Akala ng nurse ay hindi siya mahuhuli sa kaniyang ginagawa sa kaniyang pasyente, nagulat siya matapos malamang may hidden camera pala!

Isa si Vicky sa mga pinag palang bata na lumaking may kumpletong pamilya at mapagmahal na mga magulang.

Kung kaya naman bata pa lamang siya ay naging pangarap na niya na masuklian ang lahat ng paghihirap ng mga magulang niya para sa kaniya balang araw.

Ngunit sa isang iglap, ang masayang buhay ni Vicky ay biglang ginuho ng nakapang lulumong balita.

Nakatanggap ang kaniyang ina ng isang nakagigimbal na tawag at doon nila napag alaman na naaksidente ang kaniyang ama.

Sa kasamaang palad ay ni hindi man lang ito umabot nang hospital.

Isang naging malaking dagok ito sa pamilya ng dalaga, at kahit si Vicky mismo ay nahirapan na maghanap ng rason upang magpatuloy lumaban sa buhay.

Nguni dahil sa katatagan ng ina ay nakabangon silang dalawa at nakapag tapos siya ng pag aaral.

Naging isang rehistradong nurse ito dahil nais niyang mag alaga ng mga pasyente, isang bagay na hindi man lang niya nagawa sa kaniyang ina noon.

Hanggang sa naging isang personal nurse si Vicky, kung saan kailangan niyang alagaan ang ama ng isang milyonaryong businessman.

At ang striktong hiling sa kaniya ng kaniyang amo ay huwag na huwag kauusapin ang matanda, dahil bukod sa nag momood swings ito ay inaaway niya ang kaniyang mga nagiging nurse.

Tumagal ng ilang buwan ang kaniyang trabaho nang mapansin ni Vicky na talagang malungkot ang matanda.

Kung kaya naman hindi na niya napigilang kausapin ito at ayaing makipag laro, na ikinatuwa naman ng kaniyang alaga.

Halos isang taon na niyang inaalagaan ang matanda at ang kanilang lihin ma pag lalaro at pag uusap ay nagpatuloy, sa pag aakala ni Vicky na hindi sila mahuhuli.

Isang araw ay tinawagan siya ng kaniyang amo at ipinanuod sa kaniya ang mga video kung saan kitang-kitang nagtatawanan silang dalawa.

Ngunit imbis na sibakin siya ay nagpasalamat pa ang kaniyang amo dahil siya ang kaisa-isang nurse na nakakuha ng loob nito.

“Salamat sa pagbibigay kulay sa nalalabing oras ng aking ama,” ani nito, at hindi nagdalawang isip na bigyan ng pabuya ang dalaga.

What can you say about this story? Share us your thoughts in the comment section below and let us have some discussions!

The post Akala ng nurse ay hindi siya mahuhuli sa kaniyang ginagawa sa kaniyang pasyente, nagulat siya matapos malamang may hidden camera pala! appeared first on The Filipino Today.

No comments: