Isang Pulubi Na Naka-ahon Mula Sa Kaniyang Kalagayan, Ibinahagi Ang Kaniyang Kuwento Sa Publiko!
Para sa nakararami, isang imposibleng sitwasyon na ang mawalan ng trabaho, bahay, at magpa laboy-laboy sa kalsada.
Ganoon din ang naging pananaw ni Lian sa kaniyang buhay noon, matapos siyang mamataya ng anak at unti-unti na ring mamatayan ng lakas ng loob upang magtrabaho at lumaban sa buhay.
Hanggang naging pulubi na lamang siya ng tuluyan.

Wala na rin siyang mga kamag anak na malalapit, kung kaya naman imposible ang manghingi ng tulong para kay Lian.
Ngunit sa kasagsagan ng kaniyang paglalaboy sa kalsada ay muli siyang nabubuhayan ng loob dahil madalas siyang napaliligiran ng mga batang hamog.
At dahil sa pangungulila sa anak ay kinukupkop niya ang mga ito at tinuturuang magbasa. Sabay-sabay din silang nanlilimos sa kalsada at pinaghahatian ang kararampot na pagkaing nakukuha nila mula sa iba’t ibang mga tao.

Patagal nang patagal ay dumarami na rin ang naging ampon ni Lian, dahil nga sa kaniyang pagtuturo sa kanila.
Isang humangang netizen naman ang naging tulay upang mabago ang buhay niya at mga batang inampon niya.
Ibinahagi ng isang netizen ang kaniyang kwento sa social media at unti-unting dumagsa ang tulong nila para kay Lian at sa mga bata.

Hanggang sa may nag alok sa kanila ng tirahan at maayos na pamumuhay, at doon na nakapag simulang muli ang ginang.
Bilang pag papasalamat ay itinuloy niya ang pagtuturo sa mga batang lasangan kasama ang kaniyang mga kinupkop, hanggang sa isang naging malaki at matagumpay na organisasyon ang itinayo ni Lian, na nagsilbing dahilan upang kilalanin siya ng iba’t ibang komunidad dahil sa kaniyang serbisyo at pagmamahal sa kapwa.
Para kay Lian, hindi man niya kasama ang anak ay tiyak na masaya itong masaya na siya ngayon sa piling ng mga batang hindi siya iniwan kahit noong naghihirap pa lamang siya.

What can you say about this story? Share us your thoughts in the comment section below and let us have some discussion
The post Isang Pulubi Na Naka-ahon Mula Sa Kaniyang Kalagayan, Ibinahagi Ang Kaniyang Kuwento Sa Publiko! appeared first on The Filipino Today.

No comments: