Search This Blog

Isang pulubi at isang basurero, ibinahagi ang tunay na kwento kung paano sila naging milyonaryo dahil sa sampung piso!

Matalik na magkaibigan si Emil at Jose dahil simula noong mamulat sila sa mundo ay sila na ang magkasama.

At dahil pinabayaan na ng mga magulang, ang mag kaibigan ang tanging naging mag kakampi sa lahat ng bagay. Si Emil ay nagtatrabaho bilang isang basurero, habang si Jose naman ay mas piniling manghingi ng limos sa kalsada dahil hindi kasing lakas ng kaniyang resistensya ang katawan ng kaibigan.

Sa isang buong araw ay hindi nagkikita ang dalawa dahil abala sila sa paghahanap ng pagkakakitaan, at nagtatagpo na lang tuwing gabi upang sabay kumain ng hapunan.

Isang araw ay umuwi si Emil sa isang nagtatakang Jose, na nakatitig lamang sa isang makinang na barya na tila buong magdamag niya atang tiningnan.

At nang tanungin ni Emil kung ano ang nasa isip ng kaibigan ay ibinahagi ni Jose ang bagay na ikinakabahala niya.

“Mukhang peke itong sampung piso na ito, Emil. Imbis kasi na pilak ang kulay ay ginto siya. Hindi kaya laruan lamang ito?” sabi niya, at ipinakita nga ang barya sa kaibigan.

At tingin nga rin ni Emil ay isang laruang sampung piso lamang ang naipang limos ng kaibigan, at talaga namang naawa siya rito dahil halatang nalungkot si Jose sa kaniyang nakuha ngayong araw.

Kung kaya naman kinabukasan, upang makasigurado ay nanghingi si Emil ng opinyon kay Pearl, ang ginang na madalas nagbibigay ng pagkain sa dalawa.

Nagtatrabaho si Pearl sa isang vintage shop, at lubos niton ikinagulat noong makita niya ang sampung pisong hawak hawak ni Emil.

Ayon sa kanya ay isa itong limited edition para sa kolektor ng barya, at nagkakahalaga ito ng pitong milyong piso!

At sa isang iglap, ang dalawang pulubi at basurero, sa isang iglap ay naging mga milyonaryo na.

What can you say about this story? Share us your thoughts in the comment section below and let us have some discussion

The post Isang pulubi at isang basurero, ibinahagi ang tunay na kwento kung paano sila naging milyonaryo dahil sa sampung piso! appeared first on The Filipino Today.

No comments: