Isang Pulubi Ang Natakot Sa Babaeng Biglang Lumapit Sa Kanya, Pero Nagulat Siya Sa Totoong Intensyon Nito Sa Kanya!
Isang normal na umaga lamang ito para sa pulubi na si Pablo.
Katulad ng ibang mga araw ay tipikal na sa kaniya ang gumising sa umaga na gutom at nangangati, ilang araw na rin kasi siyang hindi nakapag liliinis ng katawan.
Ngunit natuto ring maging komportable si Pablo sa kaniyang kinagisnang sitwasyon. Sa kabila ng lahat, wala naman siyang ibang magiging tahanan kundi ang kalsada lamang.
Abala sa pag iisip ng kung anu-ano ang lalaki nang biglang may lumapit na dilag sa kaniya. Malinis ito at makinis, hindi hamak na may kaya sa buhay.

Napansin din ng lalaki na naka office attire ang babae, dahilan upang mas matakot siya rito.
Napuno ng pangamba ang lalaki sa kadahilanan na baka nag ttrabaho sa gobyerno ang dalaga, at nais nitong ilagay si Pablo sa isang lugar kung saan hindi ito malaya.
Papalapit pa lamang ang babae nang biglang sumigaw ang pulubi.
Ngunit imbis na matakot ay mabait na ngumiti lamang ang babae at nagpatuloy sa pagsasalita, “Nais mo bang kumain?”

Hindi magpapaloko ang pulubi, dahil madalas na gimik nga ito ng mga tao sa shelter upang sumama siya sa kanila.
Hindi siya pinansin ng pulubi, ngunit nag pumilit pa ang babae.
Ngunit dahil pumapalag na si Pablo ay nakakukuha na sila ng atensyon ng mga tao, partikular ang isang pulis na lumapit upang tanungin kung ano ang nangyayaring komosyon.
Hindi na nagsalita ang babae sa kabila ng pagwawala ng pulubi, at umalis na lamang ito.
Maya-maya ay bumalik ang babae, dala-dala ang isang supot ng pagkain para kay Pablo.

Alam niyang hindi siya kauusapin ng lalaki, kung kaya’t ipinaalala na lamang niya na basahin ng lalaki ang liham na inilagay niya sa supot.
Laking gulat ni Pablo na isang liham pasasalamat ang kaniyang natanggap.
Ang babaeng iyo pala ang dalagang madalas hatian ni Pablo ng baryang kaniyang napalimos habang nag aaral pa ito. Madalas kasing walang pamasahe at baon ang dalaga.
Hindi mapigilang maiyak ni Pablo sa kaniyang natanggap at nangako na sa oras na magtagpo ulit ang kanilang landas ay kauusapin na niya ito nang pormal.

What can you say about this story? Share us your thoughts in the comment section below and let us have some discussion
The post Isang Pulubi Ang Natakot Sa Babaeng Biglang Lumapit Sa Kanya, Pero Nagulat Siya Sa Totoong Intensyon Nito Sa Kanya! appeared first on The Filipino Today.

No comments: