Hinamon Ng Lipunan Ang Pag Iibigan Ng Isang Babae At Construction Worker, Ngunit Nagulat Sila Sa Kanilang Nalaman.
Para sa mata ng kaniyang mga kaibigan, isang malaking kalokohan ang relasyon ni Joy kay Ken.
Bukod kasi sa construction worker lamang ang trabaho ng binata ay may isang anak na rin ito. Samantalang si Joy, ay isang dalagang hindi nakapagtapos ng kolehiyo dahil nakipag tanan sa kaniyang nobyo.
Alam ni Joy na isang malaking kalokohan ang kaniyang ginawa, ngunit naniniwala siya sa kakayahan at determinasyon ni Ken.
Labis din siyang hana sa pagmamahal nito hindi lamang sa kaniyang kundi sa anak rin nitong si Stell.

Anak ni Ken si Stell sa kaniyang dating nobya na iniwan siya matapos ipangangak ang bata.
Kaya simula noon ay naging hands on na siyang tatay sa kaniyang anak, na siya namang kinabiliban nang husto ng dalaga.
Para kay Joy, kung pipili lang din naman siya ng lalaki ay dapat kasing bait at tino ni Ken.
Kumpara din naman kasi sa mga aroganteng nakilala niya na walang ibang habol sa kaniya kundi pang labas na kaanyuan lalo ang kaniyang katawan, sigurado si Joy na ligtas ang pakiramdam niya kasama ang kaniyang nobyo.

Kung kaya naman hindi na niya iniinda ang pang huhusga sa kaniya ng mga tao.
Unti-unti ay nakapag ipon ang dalawa upang makapag negosyo ng ihaw-ihawan, hanggang sa lumago ito at naging mas malaking kainan.
Hindi rin nagtagal ay nakapag pakasal na ang dalawa, na siya namang ikinagulat ng kaniyang mga kaibigan.

Lumago nang lumago ang negosyo ni Ken at Joy, hanggang sa naging maayos na rin ang estado ng kanilang buhay.
Hindi man ganoon kayaman ay masaya nsi Joy dahil tamang tao ang kaniyang pinakasalan.
Bukod kay Stell ay biniyayaan din ang mag asawa ng isa pang anak, na parehas nilang minamahal nang husto.

What can you say about this story? Share us your thoughts in the comment section below and let us have some discussion
The post Hinamon Ng Lipunan Ang Pag Iibigan Ng Isang Babae At Construction Worker, Ngunit Nagulat Sila Sa Kanilang Nalaman. appeared first on The Filipino Today.

No comments: